December 12, 2025

Home BALITA Metro

Maisug, hindi binalak i-hijack ang rally sa Luneta at EDSA—Topacio

Maisug, hindi binalak i-hijack ang rally sa Luneta at EDSA—Topacio
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA, via MB

Itinanggi ni PDP Deputy Spokesman Atty. Ferdinand Topacio na binalak umano nilang agawin ang ikinasang kilos-protesta sa Rizal Park (Luneta) at EDSA People Power Monument noong Setyembre 21.

Sa isinagawang monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong Martes, Setyembre 30, sinabi niyang pampublikong espasyo umano ang dalawang binanggit na lugar na malayang puntahan ng sinoman.

“Natatawa ako diyan sa hijack, e. Mayro’n bang isang grupo na may torrens title do’n sa parte ng EDSA na ‘yon kung saan kami nag-rally? Lalo na sa Liwasang Bonifacio,” saad ni Topacio.

“Liwasang Bonifacio has been officially designated by the Public Assembly Act as a freedom park. Anyone can go there. Walang hijak-hijack dito,” pagpapatuloy niya.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dagdag pa ng PDP Deputy Spokesman, “[S]a pagkaalam ko, Maisug event ‘yon. In which, everyone is free to join. Public ‘yan, e. Puwede mo bang pigilan ang isang tao pupunta sa rally mo? Sabihin mo, ‘Uy, umalis ka dito?’ E, freedom park ‘yon. Hindi mo naman pag-aari ‘yong Liwasan, hindi mo naman pag-aari ang EDSA.”

Ayon kay Topacio, ang ganitong isyu ay pagtatangka umanong pigilan ang mga naratibong hindi tugma sa ibang grupo.

Matatandaang naispatan si dating PDP senatorial aspirant Philip Salvador na lumahok sa Trillion Peso March sa EDSA noong Setyembre 21.

Samantala, pinabulaanan naman ni Topacio ang pagkakaugnay niya sa karahasang nangyari sa Mendiola sa kasagsagan ng kilos-protesta sa parehong petsa.