Kinuyog ng bashers si Kapamilya actress-TV host Kim Chiu matapos maglabas ng kaniyang saloobin kamakailan patungkol kay Sen. Rodante Marcoleta, na kalaunan ay agad din niyang dinelete.
Pinag-usapan ang isyu sa pinakabagong episode ng "Ogie Diaz Showbiz Updates" kasama sina Ogie Diaz, Loi Valderama, at Ate Mrena.
Mababasa sa deleted na post ni Kim noong Setyembre 23 sa X, tila lagi raw "angry" si Marcoleta at laging tila naghahanap ng away, kagaya raw sa pag-push nito sa ABS-CBN shutdown.
“Marcoleta woke up and chose……… He is always angry, always picking a fight. This is the same way he went all out pushing for ABS-CBN’s shutdown. It’s frustrating and heartbreaking to see the same darkness play out again," saad sa post ni Kim.
"As a citizen, I can only hope and pray—by the grace of God—that this time accountability wins. Let the guilty face justice. Enough lies. Enough abuse. It’s time for the darkness to end," dagdag pa.
Photo courtesy: Screenshot from Kim Chiu/X
Ayon kay Ogie, dahil sa matinding bashing na naranasan ni Kim, feeling daw ngayon ng ilang artista kung wala na ba silang karapatang magkomento tungkol sa mga isyung pampolitika.
Para kay Ogie, wala namang masama kung magpahayag ang mga artista ng kanilang saloobin dahil ito’y personal nilang damdamin, katulad din ng mga netizen na may kani-kaniyang saloobin at damdamin para sa kanilang paboritong politiko.
Dagdag pa niya, hindi maiiwasan na maging emosyonal si Kim dahil si Marcoleta ang isa sa mga nanguna sa hindi pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020, panahon na siya ay kongresista pa.
Ibinahagi rin ng talent manager na maging siya ay nakakaranas ng pambabash matapos niyang i-post kamakailan na proud siyang hindi niya binoto si Marcoleta.
Sa ngayon, nananatiling usap-usapan sa social media ang naging pahayag ni Kim, na muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa kalayaan ng mga artista na magsalita sa mga isyung panlipunan at pampolitika. Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Kim kung bakit dinelete niya ang post. Wala pa ring komento rito ang senador.