December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kahit red flag daw?' Engr. Brice Hernandez, 'pinapantasya' sa socmed

'Kahit red flag daw?' Engr. Brice Hernandez, 'pinapantasya' sa socmed
Photo courtesy: via MB/Screenshots from TikTok

Nakakaloka ang dumaraming netizens na tila nagkakainteres at nagkaka-crush sa kontrobersiyal na dating assistant engineer ng Department of Public Works and Highways na si Brice Hernandez, sa kabila ng isyung kinasasangkutan nito kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Simula kasi nang masilayan siya sa mga ginanap na pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay ng maanomalyang flood control projects na karaniwang napapanood nang live sa social media platforms, ay pumukaw na sa atensyon ng maraming netizens ang taglay raw na "kapogian" at cuteness nito.

Kapag gagalugarin ang iba't ibang social media platforms lalo na ang TikTok, tila maraming netizen ang "nakokonsensyang" imbes na magalit kay Hernandez dahil sa pagiging kasabwat nito noon sa mga anomalya sa pagkakaroon ng substandard na proyekto ng DPWH gaya ng flood control, mga paaralan, ospital, tulay, kalsada, at iba pa, ay mas napapansin ang hitsura nito.

May ilan pa ngang gumagawa ng content patungkol kay Hernandez na ilang clips mula sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kung saan hina-highlight ang hitsura nito, na hawig daw sa dating aktor na si Joshua Dionisio, na dating katambal ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. Sinasaliwan pa nila ito ng awiting "Criminal" ni Britney Spears.

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Marami tuloy ang nanghihinayang na sa ganitong sitwasyon pa raw ang kinasapitan ni Hernandez.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na karamihan ay nakalap sa TikTok:

"Kasalanan ba ito? Sorry guys, pero crush ko si Brice Hernandez."

"Ako lang ba pero crush ko si Brice Hernandez kasi ang pogi niya, aminin n'yo..."

"Aminin niyo lakas ng dating niya"

"si brice pogi tlga yan sa lugar nmen kaht nung binata po sya..lalo na magaling yan mag basketball ..at marunong yan makisama sa mga kabataan dto samin..mabait na tao .tao lang din nag kakamali."

"focus tyo mga beks. alam ko mahirap paglabanan pero kaya natin to."

"Bigyan ng 2nd chance"

"chinitong medyo badboy heheh"

"Akala ko ako Lang may crush sa knya madami pla kmi."

"ung eyes nya juskooo . patawad na agad Lord"

"habang tumatagal n tinititigan k c brice gumugwqpo hahha"

"Ang hilig talaga natin sa red flag hahaha, pero lakas nga ng dating niyaaaa"

"sana hindi siya makulong, ang makulong sana yung mga boss talaga"

Sa kabilang banda, ilang netizens din ang nanaway sa mga nagkakagusto kay Brice at sinabing magpokus lamang sa isyu.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit may mga korap na opisyal na patuloy na kumakandidato at binoboto pa rin ng taumbayan sa kabila ng kanilang mga umano'y nagawang kasalanan sa bayan.