December 13, 2025

Home BALITA

Hirit ni Sen. Imee: ‘Mga dating adik, nagbabalik-loob sa pagiging adik’

Hirit ni Sen. Imee: ‘Mga dating adik, nagbabalik-loob sa pagiging adik’
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Imee Marcos sa umano’y dumaraming durugista sa Pilipinas.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Lunes, Setyembre 29, sinabi niyang nagbalik-loob na ulit sa pag-aadik ang mga dating adik.

Aniya, "Ang mga dating adik nagbalik-loob sa pagiging adik. 'Yong mga dating takot, ang lalakas na ng loob. Ang mga pusher 'di na nagpu-push back. Ang mga user imbis gamutin, binigyan ng alibi.”

“Durog na ang Pilipinas. Marami na namang durugistang Pilipino. Marami na namang nakawan dahil naghahanap ng panustos sa bisyo nila,” dugtong pa ni Sen. Imee.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ito ay sa kabila ng maigting na kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaang ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 110,563 anti-drug operations ang ikinasa ng mga awtoridad mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025.

Dahil dito, pumalo sa 149,020 drug personalities ang naaresto kabilang na ang 9,506 high-value targets.