December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart bugbog na bugbog na sa bashing; mayaman na dati sa pagiging Ongpauco

Heart bugbog na bugbog na sa bashing; mayaman na dati sa pagiging Ongpauco
Photo courtesy: Andrei Suleik via Heart Evangelista (IG)

Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa bashing na natatanggap ni Kapuso star Heart Evangelista matapos madawit ang pangalan ng mister na si dating Senate President Chiz Escudero sa maanomalyang flood control projects.

Bagay na pinasinungalingan agad ni Escudero at sinabing ito raw ay walang basehan, matapos siyang isangkot ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, sa naganap na Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Setyembre 25.

KAUGNAY NA BALITA: 'I vehemently deny!' Sen. Escudero, never nagkaroon ng contact kay Bernardo

Sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Updates" na umere nitong Martes, Setyembre 30, tinalakay nina Ogie Diaz at co-hosts na "bugbog na bugbog" na nga raw si Heart matapos siyang pagbalingan ng mga netizen at akusahang "nepo wife," lalo na sa pagfe-flex niya ng lifestyle.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Tinalakay rin ng tatlo ang pag-intriga sa ibinigay na mamahaling singsing ni Sen. Chiz kay Heart na kung iko-convert daw sa peso ay papalo umano sa ₱57 milyon.

Pero tila patotoo naman ni Ogie, hindi pa man daw nagiging Escudero si Heart, mayaman na talaga siya. Mayaman daw kasi ang mga Ongpauco. 

Ang mga magulang ni Heart na sina Rey at Cecilia Ongpauco ay pawang mga negosyante, na kilala sa kaniyang chain of Filipino restaurant na "Barrio Fiesta." Ang kaniyang inang si Cecilia, ayon sa mga ulat, ay may-ari ng isang sugar plantation sa Camarines Sur.

"Hindi sa pinagtatanggol ko si Heart ha," paglilinaw ni Ogie.

Bukod daw sa maraming natutulungan din si Heart, marami rin naman siyang endorsement.

Sabi nga raw ng isang faney, 13-anyos pa lamang si Heart ay nagtatrabaho na siya sa pag-aartista. At sa kasalukuyan, aabot sa 48 brands ang ineendorso niya.

Kaya raw masasabing kung anuman daw ang fine-flex ni Heart sa kaniyang social media, tiyak daw na nanggaling sa kaniyang sariling bulsa, bunga ng kaniyang pagtatrabaho. Huwag pang banggitin ang napagbebentahan ng kaniyang paintings. Kaya sa isang endorsement lamang daw, sa estado ngayon ni Heart, malamang daw ay naglalaro at aabot sa ₱8 hanggang ₱15 milyon per brand sa loob ng isang tao o 12 buwan.

Sa isinagawang live kamakailan, sinagot ni Heart ang mga kumukuwestyon sa kaniyang marangyang pamumuhay, at ipinagdiinang hindi galing sa buwis ng taumbayan ang mga pinambibili niya sa mga mamahaling gamit.

Ang next daw na tanong ng mga netizen ay kung nagbabayad daw ba siya ng buwis.

Sey ni Ogie, iyan daw ay problema na ni Heart at ng kaniyang accountant.

Pagdating naman daw sa mamahaling singsing na ibinigay niya kay Heart, makabubuting si Sen. Chiz na raw ang sumagot sa isyu.

Anyway, usap-usapan ng mga netizen ang pag-flex ni Heart sa kaniyang inang si Cecilia Ongpauco kamakailan.

Nakakaintriga kasi ang simpleng caption dito ni Heart, na tila ba "nagpa-back up" na raw siya sa kaniyang ermat, na to the rescue naman sa kaniya.

"Called for back up. Mom to the rescue," ani Heart.

KAUGNAY NA BALITA: Heart Evangelista, nagpa-back up sa ermat: 'Mom to the rescue!'

Hindi ipinaliwanag ni Heart kung saan o kanino siya nagpapa-back up, at bakit to the rescue agad sa kaniya ang Mommy Cecilia niya.