December 18, 2025

Home BALITA National

Guanzon, lock screen wallpaper mukha ni Romualdez: ‘Para matakot ang gustong magnakaw ng phone ko’

Guanzon, lock screen wallpaper mukha ni Romualdez: ‘Para matakot ang gustong magnakaw ng phone ko’
Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Pinatutsadahan at direktang sinabihang “magnanakaw” ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Ayon sa ibinahaging post ni Guanzon sa kaniyang Facebook nitong Martes, Setyembre 30, 2025, ipinakita niya ang lock screen wallpaper ng kaniyang cellphone kung saan naroon ang mukha ni Romualdez. 

“Ginawa ko ng wallpaper para matakot ang gustong magnakaw sa phone ko,” anang Guanzon sa kaniyang caption. 

“Martin Magnanakaw,” pahabol pa niya. 

National

'Old habits truly die hard!' Rep. Diokno, umalma sa pag-apruba ng ₱243B Unprogrammed Appropriations sa Bicam

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Photo courtesy: Rowena Guanzon (FB)

Hindi natapos ang pagpapasaring ni Guanzon at nagdagdag pa siya ng komento sa sarili niyang post. 

“[M]ga senador nga at cong takot pangalanan palang makita pa kaya,” ayon kay Guanzon. 

“[K]aso baka manakaw laman ng online bank account lakas kumubra,” pagtatapos pa niya. 

Tila sinuportahan naman ng netizens ang naging pahayag ni Guanzon at inatake rin nila si Romualdez. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao kaugnay sa naturang post ni Guanzon: 

“Good idea as costume for the upcoming Halloween Party with matching suitcases. The look looks very, very expensive.” 

“Creepy ni tamba.” 

“I like the idea Attorney. Sundon ko man na.” 

“Martin - House of the Thieves SPEAKER.” 

“The world's biggest crocodile who can walk by land and wear barong accdg to Guinness World records.” 

“The big crock Tamba bondying.” 

“Untouchable, the name that cannot be mention.” 

“Mas powerful pa yan kesa kay pbbm.” 

Matatandaang noon pa binubuweltahan ni Guanzon si Romualdez matapos pumutok ang balitang nagbitiw na siya sa tungkulin bilang lider ng House of Representatives (HOR) at pinalitan ni Isabela 6th District Representative at Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

MAKI-BALITA: 'Nauna ka pang matanggal sa pinapa-impeach mo!' banat ni Guanzon kay Romualdez

Unang-una, ibinahagi ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 16, 2025 ang isang ulat kung saan makikitang tila binubuhat at nililipat na ang mga gamit ni Romualdez, kabilang na ang name plate niya na may nakalagay na "House Speaker."

"Ok lang yan beh ganun talaga! nauna ka pa matagal sa pinapa-impeach mo,” banat ni Guanzon. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita