Nagpadala ng Mobile Desalinator/Water Purification Units ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Masbate para masigurado ang ligtas na inuming tubig ng mga Masbateño matapos ang pagsalanta ng bagyong “Opong.”
Ayon sa Facebook page ng PCG, ang bawat unit ay may kapasidad na maglabas ng 20,000 litro ng tubig araw-araw, o 10,000 litro ng inuming tubig sa isang araw.
Sa pamamagitan rin ng mga unit na ito, naniniwala ang ahensya na ito’y malaking suporta sa mga isinasagawang relief operations para maibsan ang pinsala ng bagyo “Opong.”
“Each unit, manned by PCG operators and technicians, is capable of producing up to 10,000 liters of potable water per day, providing a combined capacity of 20,000 liters daily. This capability will significantly support ongoing relief operations and mitigate the social impact of the typhoon,” saad dito.
Ang deployment at paggamit ng water purification units ay isinagawa ng PCG sa pakikipagtulungan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Ibinahagi rin ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan na bilang pangkarapatang-pantao ang pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig, ang deployment ng water purification units ay tugma sa layon ng PCG na magbigay-proteksyon at suporta sa kasagsagan ng kalamidad.
“Ensuring access to safe drinking water is one of the most urgent humanitarian needs in the aftermath of a typhoon,” pagbabahagi ni Gavan.
“The deployment of our mobile water purification units reflects the Coast Guard’s continuing commitment to protect lives and support the resilience of communities during times of crisis.” dagdag pa niya.
Sean Antonio/BALITA