January 04, 2026

Home BALITA

Sen. Chiz, kinuwestiyon bakit wala pa rin pangalan ni Romualdez sa listahan ng imbestigasyon ng NBI, DOJ, AMLC

Sen. Chiz, kinuwestiyon bakit wala pa rin pangalan ni Romualdez sa listahan ng imbestigasyon ng NBI, DOJ, AMLC
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Diretsahan nang kinuwestiyon ni Sen. Chiz Escudero ang tila pagiging mailap ng pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mga listahan ng imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Sa kaniyang privilege speech sa Senado nitong Lunes, Setyembre 29, 2025, iginiit ni Escudero na tila “the name that cannot be mentioned,” pa rin daw si Romualdez sa kabila ng pagbibitiw niya sa puwesto bilang House Speaker.

“Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ba nakapagtataka? Bakit hindi sinasama si Martin Romualdez sa anumang imbestigasyon? DOJ man, NBI man, AMLC man,” tanong nio Escudero.

Ibinahagi rin ni Escudero na naitaas na rin umano niya sa Independent Commission on Infrastructure (tICI) ang kaniyang katanungan hinggil sa tila hindi umano patas na pagkiling ng batas kay Romualdez.

Internasyonal

Kamala Harris sa pag-atake ng US sa Venezuela: 'It is about oil!'

“Noong ako po ay naimbitihan ng ICI, binanggit at tinanong ko rin po ito sa kanila, 'Ganito ba katindi ang kapangyarihang hawak ni Martin Romualdez?’” tanong ni Escudero sa ICI. 

Dagdag pa niya, “Na bagaman hindi siya Speaker, "tila the name that cannot be mentioned" pa rin siya. At nagagawa pa rin niya ang nais n'ya kaugnay sa isang mapamiling hustisya o selective justice."

Matatandaang bago nito, maging ang ilang netizens ay nag-urirat at kinuwestiyon ang opisyal na listahang inilabas ng Department of Justice (DOJ) laman ang pangalan ng mga indibidwal na kakasuhan umano ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon pa sa DOJ, pawang ang mga sinumpaang pahayag nina Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza at dating DPWH Usec. Roberto Bernardo ang kanilang pinagbatayan sa paglalabas ng naturang listahan.

Dagdag pa ng DOJ, lahat umano ng mga affidavits na may mga pangalang hindi nabanggit sa listahan ay nangangahulugang hindi kinikilala ng DOJ at NBI.

Anila, “If names have circulated outside of these affidavits, those are not recognized by the DOJ or the NBI until such time that they are sworn to under proper proceedings.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Nasaan si Romualdez!' Netizens, inalmahan listahan ng mga kakasuhan ng NBI