Nagsampa ng disbarment case si dating Senate President Chiz Escudero laban kay Atty. Jesus Falcis kaugnay ng mga social media post nito laban sa senador.
Batay sa naging dahilan ni Escudero, ang mga naging public post ni Falcis sa kaniyang verified Facebook account laban sa kaniya ay pawang "accusatory," "defamatory." "demeaning," "speculative," at "hateful and/or malicious."
Ang disbarment ay pagpapawalang-bisa sa karapatan ng isang Bar member para makapagtrabaho bilang isang abogado.
Isa sa mga nabanggit na post ni Falcis laban kay Escudero ay noong Hulyo 21, 2025, kung saan, tinawag umanong "makapal ang mukha" ni Chiz matapos daw pagalitan ang House of Representatives dahil sa budget insertions at pork barrel, gayong ang sendor daw ang umano'y "hitik na hitik" sa sa insertions.
Samantala, mukhang nakarating na kay Falcis ang tungkol sa complaint laban sa kaniya ni Escudero.
Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 29, Sino dapat ma disbar? Ako na galit sa corruption or mga pulitiko na accused of kickbacks and budget insertions? And why publicize a disbarment proceeding that the Supreme Court has said should be confidential? Back at you, Senator Chiz Escudero."
Photo courtesy: Screenshot from Jesus Falcis (FB)
Samantala, walapang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Escudero hinggil sa pasaring ni Falcis.