December 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Bong Go, inirekomendang magbigay ng kahit 'maliit na pondo' mula sa opisina niya sa budget ng OVP

Sen. Bong Go, inirekomendang magbigay ng kahit 'maliit na pondo' mula sa opisina niya sa budget ng OVP
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nagpaabot ng suporta si Sen. Bong Go para sa 2026 budget ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng pagrerekomenda na dagdagan ito mula umano sa pondo ng kaniyang opisina.

Ayon sa naging pagdinig ng Senate Committee on Finance nitong Lunes, Setyembre 29, binigyang-diin ni Go ang mga magaganda umanong nagawa ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang opisina sa pamamagitan ng pondong ginamit nila noong 2025.

Pagpapatuloy pa ni Go, pinanawagan niya sa Senado na dahilan umano iyon para mas bigyan pa ng buong suporta ang OVP sa kanilang 2026 budget.

“That is why, next year, I urge the Senate to support the budget of the OVP in full. Napakaliit po ng increase, one percent (1%) lang po. Pero alam naman po nating marami pong matutulungan,” saad ni Bong Go.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Inirekomenda pa ni Go sa Senado na bawasan umano ang budget ng kaniyang opisina kahit “maliit” para ilipat sa pondo ng OVP.

“Kung puwede lang po Mr. Chair, kung allowed po ito, bawasan po ang budget ko sa opisina sa Senado. Kahit kaunti, ilagay na lang po sa OVP,” rekomendasyon ni Go.

Aniya, dapat daw manilbihan ang mga kagaya niyang senador at mga public officials para sa mga Pilipino at nakita niya umanong marami ang pumipila sa OVP para maabutan ng kanilang tulong.

“Mr. Chair, lahat tayo sa gobyerno, we are public officials. We are meant to serve the Filipino people. Basic mandate po ang tumulong lalong lalo na po sa mga social services. Nakikita ko po ‘yan. Mahaba po ang pila sa kaniyang mga satellite office,” anang Go.

Dagdag pa ni Go, dapat umanong tulungan at palakasin pa ng Senado ang opisina ni VP Sara sa para mas makatulong pa sila lalo na sa mga mahihirap na taumbayan.

“We must further empower and help the VP's office to respond to the needs of the Filipino people especially the marginalized sector. Muli nais kong ipahayag ang aking suporta para sa budget ng OVP alang-alang na lang po sa mga kababayan natin na mahihirap. Lets support her to be a working president,” pagtatapos ni Go.

Matatandaang inaprubahan na ng Senado ang rekomendadong pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa office of the Vice President (OVP) para sa 2026.

KAUGNAY NA BALITA: ₱902.89M pondo para sa OVP, aprubado na sa Senado

Kung saan, sinabi ni Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senado na ₱902.895 ang rekomendasyon ng DBM para sa kaniyang opisina.

Wala namang naging pagtutol ang mga miyembro ng Senado sa pondong ito ng OVP.

Mc Vincent Mirabuna/Balita