Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang panalangin para sa bansa, matapos ang kaniyang pagsisimba nitong Linggo, Setyembre 28.
Ibinahagi ni Catriona sa kaniyang Instagram story ang mababasa sa big screen ng pinuntahang worship service ng isang Christian church.
Mababasa sa screen, "What is rising up in the Philippines right now is not an anti-President, or anti person cry—it is a cry against the spirit of greed and corruption."
Photo courtesy: Screenshots from Catriona Gray (IG)/via Fashion Pulis
Kaya mababasa rin sa text caption, "Praying against the spirit of greed and corruption in our beloved nation," ani Queen Cat.
Matatandaang kasama si Catriona sa mga celebrity at personalidad na nakimartsa sa naganap na "Trillion Peso March" kontra korapsyon noong Setyembre 21.