Ibinahagi ng dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang larawan ng engkuwentro nila ni Sen. Robin Padilla, sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Setyembre 28.
Mababasa sa kaniyang post na isang "plot twist" daw si Padilla na isa sa mga iilan sa gobyerno na walang bahid ng kahit na anong anomalya.
"Plot twist, si Sen. Robin Padilla at mangilan ngilan nalang talaga sa gobyerno ang walang bahid ng kahit anong anomalya," aniya.
Sinariwa rin ni Guanzon ang naging reaksiyon niya nang manguna sa pagkasenador si Padilla noong 2022 elections.
Subalit ngayon daw, naiintindihan na ni Guanzon ang posibleng dahilan.
"Nung nag no. 1 senator yan nung 2022 napailing nalang ako, ngayon naiintindihan ko na dahil iba ang charisma sa personal, very humble at gentleman pa," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Rowena Guanzon (FB)
Matatandaang isa si Guanzon sa mga nagpasaring kay Padilla matapos ngang mag-number 1 ang senador sa ranking ng mga nanalo sa nabanggit na posisyon.
Bukod dito, isa rin si Guanzon sa mga umapelang maawa ang mga botante sa Pilipinas kung iboboto at mananalo ang aktor.
KAUGNAY NA BALITA: Guanzon, hindi iboboto si Robin: 'Maawa kayo sa Pilipinas'
Bagay na sinagot naman ni Padilla, "Nakakatuwa naman ang retired Comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nag-eskandalo sa labas ng Comelec at siniraan ang kaniyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito ang mga halimbawa ng grandstanding."
KAUGNAY NA BALITA: Robin, sumagot kay Guanzon: 'Hindi ko po hinihingi ang boto n'yo'