December 12, 2025

Home BALITA

‘Pinapahirapan nila yung tao!’ VP Sara, iginiit na 'maraming beses' nang natumba si FPRRD sa ICC detention center

‘Pinapahirapan nila yung tao!’ VP Sara, iginiit na 'maraming beses' nang natumba si FPRRD sa ICC detention center
Photo courtesy: Contributed photo

Muling iginiit ni Vice President Sara Duterte ang sitwasyon umano ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC).

Sa panayam sa kaniya ng media nitong Lunes, Setyembre 29, 2025, iginiit niyang inamin umano ng kaniyng ama na hindi raw iisang beses nangyari ang insidenteng natumba siya sa loob ng detention center ng ICC.

“Tinanong ko siya, alam ko tinanong din siya ng lawyer, hindi ko lang alam kung anong mga incidents. But tinanong ko siya kung totoo ba? and then sinabi n'ya, 'Hindi naman 'yan yung una. Maraming beses na ako na natumba.' That's his term,” ani VP Sara.

Iginiit din ni VP Sara ang tila kawalang kakayahan umano ng ICC na masiguro ang kaligtasan at seguridad ng kaniyang ama habang namamalagi sa kanilang pasilidad.

'Dedma kung dating hepe!' DILG, tiwalang kayang arestuhin ng PNP si Sen. Bato

“Yes! It's very alarming that is why I released the statement, stating that clearly the ICC do not have full control of the safety and security of the former President. Because I believe, and the way I see it, he needs a 24 hour caregiver,” anang Pangalawang Pangulo. 

Pinuna rin ni VP Sara ang nananatiling kawalan ng petsa para sa paglilitis ng kaniyang ama.

Aniya, “Pinapahirapan nila yung tao. Naka-detain siya nang para ba siyang kinulong nang hindi siya na-convict.”

Matatandaang nakatakda sana ang confirmation of charges ni Duterte noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 26 ngunit pansamantala itong ipinagpaliban dahil wala umano siyang kakayahang humarap sa trial.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Nananatili si dating Pangulong Duterte sa kustodiya ng ICC matapos siyang maaresto noong Marso dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.