January 26, 2026

Home BALITA National

PBBM, binisita mga hospital sa Ilocos Norte upang tiyakin ‘Zero Balance Billing program’ para sa mga pasyente

PBBM, binisita mga hospital sa Ilocos Norte upang tiyakin ‘Zero Balance Billing program’ para sa mga pasyente
Photo courtesy: Presidential Communications Office (FB)

Personal na dumalaw sa mga hospital at Medical Center sa Ilocos Norte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., upang kausapin at kumustahin ang mga pasyente sa kaniyang mga pinuntahang pagamutan. 

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng Presidential Communication Office (PCO) sa kanilang Facebook page noong Linggo, Setyembre 28, 2025, sinabi nilang nais tiyakin ng Pangulong napapakinabangan ng mga pasyente ang Zero Balance Billing program. 

“Sa pamamagitan ng Zero Balance Billing program, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino,” panimula nila sa caption ng kanilang post. 

Anila, nakipag-usap si PBBM sa mga pasyente at pamilya nila sa Mariano Marcos Memorial Hospital at Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“Binigyang-diin niya ito sa kanyang pagdalaw sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte, kung saan nakipag-usap siya sa mga pasyente sa Oncology, Internal Medicine, at Family Medicine Wards at nagpaabot ng suporta sa kanilang mga pamilya,” pagtatapos nila. 

Natuwa naman ang netizens sa nasabing post tungkol sa pangulo. 

Anila, ang Zero Billing program umano ang isa sa mga mahalagang na-implenta ng pangulo para sa taumbayan. 

Narito ang ilang komento na iniwan ng mga tao sa naturang post ng PCO: 

“Zero billing project is one of the most brilliant ideas our president has ever implemented by far. Good job po.”

“God bless you always our beloved PBBM.” 

“Tunay na malasakit ni Pangulong Bongbong Marcos para sa bawat Pilipino.” 

“Isa na namang makataong proyekto para sa Pilipino.” 

“Napakalaking ambag nito sa bayan.” 

“Hindi lang salita—may gawa at resulta.” 

“Ang galing ng programa! Walang iwanan pagdating sa kalusugan.” 

“Pangulong tunay na gumagawa ng paraan.” 

Matatandaang unang binanggit ng Pangulo sa publiko ang Zero Billing Program sa dinaos niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28, 2025 upang isulong ang mga libreng serbisyo para sa mga basic accommodation sa mga Department of Health hospitals. 

KAUGNAY NA BALITA: Bayad na bill ninyo? Mga dapat malaman tungkol sa ‘Zero-Balance Billing Policy

Ang zero balance billing ay isang polisiyang pangkalusugan sa bansa na gumagarantiya sa libreng paggamot sa mga mamamayan habang ito’y naka-confine sa isa sa ilalim ng basic (ward-type) accommodation sa mga DOH hospital.

Ang mga kwalipikadong mamamayan na pasok sa zero balance billing ay ang mga kinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang Indigents o mahirap na pamilya, mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), at mga sponsored na miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Mc Vincent Mirabuna/Balita