May payo si dating Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa paraang maaaring makapag-ayos ng relasyon umano ni Ako Bicol Partylist Elizaldy Co sa kaniyang mga anak.
Sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi ni Roque sa kaniyang opisyal na Facebook account nitong Lunes, Setyembre 29, 2025, iminungkahi niyang dapat daw isauli ni Co ang umano’y mga perang ninakaw niya upang maging maayos ang relasyon nito sa sariling mga anak.
“Kapag binalik mo yung mga perang ninakaw mo, baka maayos mo pa yung relasyon mo sa iyong mga anak na kinasusuklaman ka na dahil nga sa pagdududa na ikaw ay naging korap,” ani Roque.
Hirit pa niya, “So ayusin mo na rin yung relasyon mo sa mga anak mo sa pamamagitan ng pagbalik ng mga perang ninakaw.”
Matatandaang kamakailan lang nang maglabas ng pahayag ang anak ni Co na si Ellis hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kaniyang ama at ng kanilang pamilya.
“I want to express my deepest sympathies to the people who have mobilized and stood up against corruption in the streets. I am with you, I am on your side,” ani Ellis.
Iginiit din niya na matagal na raw siyang bumukod sa kanilang pamilya sa kabila ng pribilehiyo na mayroon siya simula pagkabata.
“Though I bear my last name, I’ve always tried to separate myself from that affiliation. It can’t be denied that I was born into privilege. Despite this, I’ve always pushed to give back, especially to the community and to the industry I’ve long admired,” saad ni Ellis.
Kinondena rin niya ang lahat ng porma ng korapsyon at iginiit na naiintindihan niya ang galit ng taumbayan.
“I condemn corruption in all its forms. I understand the anger and disgust. The hate is MORE than valid,” giit niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'I am with you!' Anak ni Zaldy Co, nakisimpatya sa taumbayan; matagal na raw bumukod sa pamilya
Maging si Ellis ay nakisuap din sa kaniyang ama na umuwi na raw ang bansa at sagutin ang taumbayan.
Aniya, “To my father, come home and answer to the people. Have your time in court. People need answers.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Come home, have your time in court!' Ellis, pinauuwi na tatay niyang si Zaldy Co