Lumutang ang umano’y dahilan sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno kahit hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang tungkol dito.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Setyembre 28, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na pinagpalit umano ni Chie si Jake sa isang mayamang boylet na taga-Cebu.
“True pala ang ibinalita ng ating kumpareng si Xian [Gaza]. Pero wala raw kaalam-alam si Jake Cuenca. Ang paalam daw sa kaniya nitong si Chie ay hahanapin muna niya ang kaniyang sarili,” lahad ni Ogie.
Dagdag pa niya, ““So ibinigay ni Jake Cuenca ‘yong space kay Chie. Hanggang sa makarating kay Jake na parang tabla na siya kay Chie dahil kinikita raw nitong si Chie Filomena ang isang batang Lhuillier, kay Matthew Lhuillier.”
Matatandaang nagsimulang umugong ang usap-usapang tapos na ang relasyon nina Chie at Jake nang mapansin ng ilang netizens na hindi na sila naka-follow sa Instagram account ng isa’t isa.
Bagama't walang lumulutang na anomang isyu sa pagitan nina Chie at Jake, kapansin-pansin na wala silang latest pictures nang magkasama, dahilan para mabuo ang hinalang split na ang dalawa.
Sa ngayon, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Jake at Chie para kumpirmahin o pabulaanan ang mga intriga.
Maki-Balita: Jake Cuena, Chie Filomeno iniintrigang hiwalay na!