December 13, 2025

Home BALITA Politics

‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto

‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto
Photo Courtesy: via MB

Nagbitiw na si Rep. Zaldy Co bilang kinatawan ng Ako-Bicol Party-list. 

Sa latest Facebook post ni Co nitong Lunes, Setyembre 29, ibinahagi niya ang kopya ng resignation letter na isinumite niya kay House Speaker Bojie Dy III.

"Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso," saad ng kongresista.

"[N]gunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran," dugtong pa niya.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang ngayong Setyembre 29 ang itinakda ni Speaker Dy na pag-uwi ni Co matapos niyang i-revoke ang travel clearance nito noong Setyembre 19.

Ayon kay House Spokesperson Princess Abante, lumipad patungong Amerika si Co para sumailalim sa extensive health consultation.

Maki-Balita: 10 araw na palugit, ibinigay ni House Speaker Dy para makabalik ng bansa si Rep. Zaldy Co

Kabilang si Co sa mga kongresistang pinangalanan na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

Bago pa man ito, nauna nang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co