December 14, 2025

Home BALITA Politics

Guteza natatanging testigong kumonekta sa pangalan nina Co, Romualdez—Marcoleta

Guteza natatanging testigong kumonekta sa pangalan nina Co, Romualdez—Marcoleta
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Dumepensa si Sen. Rodante Marcoleta matapos mabansagang kulang umano siya sa paggalang sa huling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa plenary session ng Senado nitong Lunes, Setyembre 29, binanggit ni Marcoleta ang tungkol sa pagtestigo ng dating sundalong si Orly Regala Guteza.

“Nakita naman po ninyo kung paano niya sinasagot ang bawat tanong. Walang pag-aalinlangan. Siya lamang po ang natatanging testigo na kumonekta sa pangalan ni Zaldy Co at Martin Romualdez,” saad ni Marcoleta.

Dagdag pa niya, “Ngayon po siya ay nahaharap sa napakaraming pasaring din. Bakit po ako ay walang kortesiya? Hindi po ba ako ay humingi ng panahon sapagkat hindi ko naman po alam kung darating talaga siya no’ng araw na ‘yon kaya hindi na po ako nagsabi.”

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Matatandaang si Guteza ang testigong biglang sumulpot sa huling pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee para isiwalat ang umano’y “basura scheme” sa bahay nina Romualdez at Co.

Ngunit kinuwestiyon kalaunan ang kredibilidad ni Guteza matapos matuklasang palsipikado umano ang affidavit niya sang-ayon kay Senador Ping Lacson. 

Maki-Balita: 'Basura scheme?' Pagdeliver ng mga pera sa bahay nina Romualdez, Co, ikinanta ng dating sundalo