December 13, 2025

Home BALITA

Finger heart ni Sarah Discaya, gawain lang daw niya noong campaign period—DOJ

Finger heart ni Sarah Discaya, gawain lang daw niya noong campaign period—DOJ
Photo courtesy: Contributed photo

Nagpaliwanag na sa Department of Justice (DOJ) ang kontratistang si Sarah Discaya hinggil sa usap-usapan niyang finger heart.

Sa panayam ng media kay DPJ Assistant Secretary Mico Clavano, ipinatawag nila si Discaya upang magpaliwanag ng kaniyang naging gesture ng tanungin siya ng media hinggil sa kinakaharap na isyu. Ayon kay Clavano, hindi raw kasi naging katanggap-tanggap ang ikinilos nito.

"Pinagsabihan po siya, at dito pagdating n'ya, she explained her actions to us. But she was also told to act with caution,” ani Clavano.

Dagdag pa niya, “Doon sa heart finger and the remarks that she makes, we just take it inappropriate, especially here in the DOJ.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Saad pa ni Clavano, iginiit umano ni Discaya na ang kaniyang pa-finger heart ay naging parte raw ng tila signature gesture niya noong siya campaign period para sa midterm elections ng Mayo 2025, kung saan siya tumakbo sa pagka-alkalde sa Pasig City.

“That's more of an explanation of why she did what she did. She said something that connected to her campaign but we're not in the campaign period anymore. This is an investigation not a campaign,” giit ni Clavano.

Matatandaang noong Linggo, Setyembre 28, nang kumpirmahin din ni Clavabo ang pagpapatawag ng DOJ kay Discaya dahil sa nasabing finger heart.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni Clavano na ito raw ay tila isang palatandaan ng hindi pagiging tapat at ng pagiging kampante.

"It is a sign of insincerity and complacency," pahayag ni Clavano sa panayam sa kaniya ng media.

KAUGNAY NA BALITA: 'Behave accordingly!' DOJ, sisilipin pag-finger heart ni Sarah Discaya