Hinatulan ng “death with reprieve” si Tang Renjian, na dating ministro ng agriculture at rural affairs sa China, dahil sa umano’y panunuhol matapos mapatunayang guilty.
Ayon sa ulat ng state-run news agency na “Xinhua,” nakatanggap umano si Tang ng mga pera at ari-ariang nagkakahalaga ng $37.6 milyon nang humawak siya ng iba’t ibang posisyon mula 2007 hanggang 2024.
Ang death with reprieve ay parusang hindi agad ipinapataw ng korte sa may-sala. Kaya sinuspinde ng Changchun Intermediate People's Court ang sentensiyang kamatayan ni Tang kamatayan sa loob ng dalawang taon.
Nauna nang patalsikin ng Komunistang Partido ng China ang nasasakdal, anim na buwan matapos siyang isailalim sa imbestigasyon ng anti-graft watchdg.
Bago mailuklok bilang minister ng agriculture at rural affairs, nagsilbi munang gobernador si Tang sa kanlurang probinsiya ng Gansa mula 2017 hanggang 2020.
Matatandaang nagsimula ang kampanya ng paglilinis ni Pangulong Xi Jinping sa domestic security apparatus ng China noong 2020. Ito ay para tiyaking tapat, malinis, at maaasahan ang mga pulis, piskal, at hukom.