Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Eastern Samar ngayong Lunes, Setyembre 29.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang madaling araw dakong 4:17 sa San Julian, Eastern Samar. May lalim itong 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang Intensity II sa Borongan at Sulat, Eastern Samar habang Intensity I naman sa Can-avid, Eastern Samar.
Samantala, walang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang lindol.