December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Derek, pinasinungalingan blind item ni Xian Gaza tungkol daw sa kanila ni Ellen

Derek, pinasinungalingan blind item ni Xian Gaza tungkol daw sa kanila ni Ellen
Photo courtesy: Christian Albert Gaza (FB)/via MB

Sumagot na ang aktor na si Derek Ramsay sa mga nang-iintriga sa relasyon nila ng misis na si Ellen Adarna, matapos ang blind item ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza.

Sa Facebook post ni Gaza noong Linggo, Setyembre 28, nag-iwan ng blind item si Gaza hinggil sa isang married celebrity couple na tila nagkakalabuan na.

Mababasa sa post published as is, "Eh paano ngayon 'to? Kasal sila. Walang divorce sa Pilipinas. Eh peso billionaire si celebrity guy. May prenup bang pinirmahan si super famous celebrity girl? O waley? So meaning to say, may habol siya sa bilyones ni guy? Tapos yung anak nila, may habol din sa yaman ng kanyang ama? Under the guardianship ni girl? Is this the masterplan from the start? Nautakan ba siya ni babae? OMG nakakaloka iisipin ko pa tuloy 'to ngayon paano ako makakatulog nito mamaya mygaaahd."

Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza (FB)

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Dagdag pa na mababasa sa comment section ng post, "very good Baby Mama kasi hindi niya pine-pressure si Popoy magsustento sa bata eh malamang sa alamang wala ka namang mapipiga diyan kaya gamitin mo na lang pampaganda ng image mo para mapagtakpan yung masama mong plano grabe ka saludo ako sayo Mamshie napakahusay mo."

"Kung hindi mo sinalo si Basha mula sa breakup nila ni Popoy, hindi ka sana mapapahamak ng ganito, Mark. Bakit ka nagpauto? Pag-ibig nga naman."

"Si JL hindi niya pinakasalan kasi wala siyang mapapala. Ang makukuha lang niya ay kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic. Pero etong isa, pinakasalan niya agad-agad after a few months of relationship. Pinagplanuhan. Mautak."

Samantala, sa isinagawang Instagram Live, diretsahang sinabi ni Ramsay na walang katotohanan ang blind item ni Gaza at ayos sila ni Ellen.

"There's this issue about Mr. Xian Gaza, I'll just keep it very simple. There's no truth to anything that was said. That's it. That's all I have," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza (FB)

Samantala, nitong Lunes, Setyembre 29, ay muling nag-post si Gaza patungkol sa mag-asawa, na sa pagkakataong ito, ay nagbanggit na ng buong pangalan.

"Ang mapupulot nating aral sa hiwalayang Gerald at Julia 'The end doesn't justify the means.'

"Ang matututunan natin sa hiwalayang Jake at Chie 'You deserve better.'"

"What we can learn from Derek Ramsay 'Huwag magpadala sa silakbo ng damdamin. Huwag agad magpakasal kung ilang buwan pa lamang kayo at masyado pang mababaw ang inyong pinagsamahan lalo na kung marami kang kayamanan.'"

"Ang mapupulot nating aral mula kay Ellen Adarna 'Piliin mo yung mayaman. Magpakasal ka sa maraming pera. Magpabuntis ka sa bilyonaryo. Para kung anuman ang mangyari sa inyong relasyon, at the end of the day, hindi ka talo. Winner ka sa buhay.'"

"Ika nga sa Lumang Tipan: 'Ang taong mahilig umibig sa hampaslupa ay magiging miserable ang buhay.'"

Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza (FB)

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang mag-asawa hinggil sa panibagong post na ito ni Gaza.