January 08, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga puwedeng mangyari sa'yo kapag laging umiinom ng kape

ALAMIN: Mga puwedeng mangyari sa'yo kapag laging umiinom ng kape
Photo courtesy: Unsplash


Halos ang bawat isa, kung hindi lahat, ay naranasan na ang uminom ng kape. Karamihan nga ay mahilig pa rito, kahit ano pa ang uri nito — mapa-brewed, espresso, instant, o kahit decaf.

Ngayong National Coffee Day, tiyak marami na namang coffee lovers ang tatangkilik sa kanilang paboritong inumin.

Komposisyon ng Kape

Ang nilalaman ng kape ay nakadepende sa uri nito, ngunit kapag usapang kape, hindi mawawala ang diskusyon patungkol sa “caffeine.” Ito ang pangunahing “component” na lahat ng kape ay mayroon.

Ang caffeine ay isang natural na “stimulant” na madalas makikita sa mga tsaa, kape, at mga cacao plants. Ito ay madalas na gamitin upang buhayin ang diwa ng isang tao, partikular na ang paggising nito sa utak ng isang indibidwal. Ito rin ay nakatutulong upang manatiling alerto” ang isang tao at maiwasan ang pagkapagod.

ALAMIN: Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada



Ayon kay Petre ng Healthline, 80% ng populasyon ng mundo ay kumokonsumo ng isang produktong caffeinated kada araw.

Mabuting epekto sa katawan ng pag-inom ng kape

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming mabuting epekto ang pag-inom ng kape. Dahil sa taglay nitong caffeine, maaari nitong mapaganda ng “mood” at “brain function” ng isang tao. Pinatataas din nito ang mga signaling molecules ng katawan tulad ng “dopamine” at “norepinephrine.”

May pag-aaral ding nagsasabi na ang pag-inom ng dalawa hanggang tatlong baso ng caffeinated coffee kada araw ay pinabababa ng halos 45% ang risk ng suicide ng isang tao.

Mayroon ding pag-aaral ang nagsasabi na nakatutulong sa mas mabilis na “metabolism” at “fat burning” ang pag-inom ng kape, at pinabababa rin ang risk ng “stroke” sa isang tao.

Karagdagan pa rito, bumababa rin umano ng kape ang panganib ng sakit sa puso at diabetes.

Hindi mabuting epekto ng pag-inom ng kape

Hindi maikakailang maraming benepisyo ang pag-inom ng kape, ngunit pakatandaang kapag labis na, doon na papasok ang problema.

Ang labis na pag-inom ng kape ay maaaring pataasin ang risk ng “anxiety,” “restlessness,” “tremors,” iregular na tibok ng puso, at hirap sa pagtulog.

Ang hindi rin mapigilang pag-inom ng maraming kape ay maaaring magdulot ng “high blood pressure” at “migraine.”

Sa mga kababaihan, may pag-aaral na nagpapaliwanag na ang caffeine mula sa kape ay maaaring makaapekto sa mga buntis, tulad ng “miscarriage” o kaya naman ay “low birth weight.”

Kung may maintenance man ang isang tao, hindi nirerekomenda ang labis na pag-inom ng kape dahil ang caffeine nito ay maaaring mag-”interact” sa medikasyong iniinom; halimbawa ay mga taong umiinom ng mga muscle relaxant o antidepressant, sapagkat palalabisin ng caffeine ang epekto ng mga gamot na ito.

Hindi masama na uminom ng kape sapagkat kaakibat nito ay magagandang epekto sa katawan, ngunit ang kalabisan dito ay may bitbit ding mga panganib na dapat alam ng bawat tao.

Vincent Gutierrez/BALITA