December 13, 2025

Home BALITA

'Aantayin ko ang tawag mo!' Roque, hinamong magpakita sa kaniya si Zaldy Co sa Europe

'Aantayin ko ang tawag mo!' Roque, hinamong magpakita sa kaniya si Zaldy Co sa Europe
Photo courtesy: screengrab Harry Roque/FB, Elizaldy Co/FB

May panawagan si dating Presidential Spokesperson Harry Roque kay Ako Bicol Partylist Elizaldy Co na umano’y nasa Europa rin.

Sa ibinahaging video ni Roque sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Setyembre 29, 2025, inanyayahan niya si Co na makipagkita sa kaniya at ikanta ang mga nalalaman tungkol sa maanomalyang flood control projects.

“Inaanyayahan kita Zaldy, alam ko nandito ka sa Europa, ako'y nasa Hague. Napakadali kong hanapin sa Hague. Puntahan mo ko dito kung ika'y willing na kumanta na,” ani Roque.

Binanggit din ni Roque na tila magiging proud daw ang ama ni Co kung isisiwalat na niya ang mga nalalaman sa nasabing maanomalyang proyekto.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“At what I can assure you, is kung nasaan man ang iyong ama, he will be proud of you. Kung ikaw ngayon ay aamin ng iyong pagkakamali, at ilalantad ang katunayan kung sino talaga ang pinakamalaking benepisyo na natanggap dito sa ginawa ninyong pagnanakaw ng pondo, ng kaban ng bayan,” saad ni Roque.

Inalok din ni Roque si Co hinggil sa paggawa ng isang sworn statement na maaari daw niyang gamitin kung pakikinggan siya ng susunod na administrasyon.

Saad pa niya “Magkita tayo, gagawan kita ng sworn statements at titingnan natin na sa susunod na administrasyon kung tatanggapin ang sworn statements mo para ikaw ay makapasok din sa Witness Protection Program at mabigyan ng immunity.”

Matatandaang nitong Lunes, Setyembre 29 ang huling araw na palugit kay Co upang makabalik sa bansa matapos i-revoke ni House Speaker Faustino Dy ang kaniyang travel clearance. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Tuloy ang deadline!' Speaker Dy, nanindigang hanggang Sept. 29 na lang palugit kay Rep. Co para makauwi