December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Walang konsensya!' Rocco Nacino, sinabing sing-itim ng nunal ugali ni Sarah Discaya

'Walang konsensya!' Rocco Nacino, sinabing sing-itim ng nunal ugali ni Sarah Discaya
Photo courtesy: via MB/DOJ Pool

Hindi napigilan ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kaniyang reaksiyon at saloobin hinggil sa kontrobersyal na akto ng contractor na si Sarah Discaya, matapos itong magpakita ng finger heart sign habang nasa Department of Justice (DOJ) noong Sabado, Setyembre 27.

Nagsadya ang mga Discaya sa tanggapan ng DOJ para sa pagpapasa ng requirements para sa aplikasyon ng Witness Protection Program (WPP)," kaugnay ng pagsisiwalat ng mga impormasyon at detalye sa maanomalyang flood control projects.

Ang witness protection ay isang programa kung saan poprotektahan ang kanilang seguridad at banta sa buhay, kasama ng iba pang mga saki, habang patuloy na isinisiwalat ang mga nalalaman nila tungkol sa isyu, ngunit hindi nangangahulugang "state witness" na sila.

Nag-finger heart sign nga ang misis na Discaya sa media reporters na nag-aabang sa kaniya para sana makapag-ambush interview.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

KAUGNAY NA BALITA: ‘Feeling safe na?’ Sarah Discaya, binakbakan sa ‘finger heart’

Bukod pa rito, nagbitiw pa ng hirit si Discaya na gandahan ng mga netizen ang gagawing memes sa kaniya.

"Gandahan n'yo 'yong memes ko," saad daw ni Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Gandahan n'yo 'yong memes ko!'—Sarah Discaya

Sa isang matapang na pahayag, binanatan ni Nacino si Discaya at sinabing tila “walang konsensya” ito at “sing-itim ng nunal ang ugali,” sa comment section ng ulat ng GMA News tungkol dito.

Mababasa as is, "Walang konsensya. Itim ng ugali, kasing itin [itim] ng nunal niya."

Photo courtesy: Screenshot from Rocco Nacino (IG) via Fashion Pulis

Bukod kay Rocco, nagkomento rin dito ang Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang.

Ibinahagi ni Pokie sa kaniyang Instagram story ang screenshot ng finger heart sign ni Discaya.

Mapapansin namang tila nilagyan niya ng tae ang bandang ibabaw ng finger heart ng contractor, na may matching lumilipad-lipad na langaw pa.

Mababasa sa text caption ng story, "gandahan daw ang memes??????? Hahahhaahaha."

KAUGNAY NA BALITA: Pokwang, nilagyan ng nilalangaw na ebak pag-finger heart ni Sarah Discaya

Samantala, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na tinitingnan nila at posibleng isama sa konsiderasyon ang naging akto ng pag-finger heart sign at mga pahayag ng kontrobersiyal na contractor sa aplikasyon nila ng mister na si Curlee Discaya, sa WPP.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni Clavano na ito raw ay tila isang palatandaan ng hindi pagiging tapat at ng pagiging kampante," ani Clavano. Hinihikayat daw ang lahat ng persons of interest sa kasong umakto nang naaayon.

"It is a sign of insincerity and complacency," pahayag ni Clavano sa panayam sa kaniya ng media.

"We urge all persons of interest in this case to behave accordingly," dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Behave accordingly!' DOJ, sisilipin pag-finger heart ni Sarah Discaya

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag ang kampo ng mga Discaya, lalo na si Sarah, tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig. 

Inirerekomendang balita