January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Urirat ni Regine Velasquez: ‘May magbabalik ba ng ninakaw?’

Urirat ni Regine Velasquez: ‘May magbabalik ba ng ninakaw?’
Photo Courtesy: Regine Velasquez (FB)

Tila nakakaramdam na ng inip si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa talamak na korupsiyon ngayon sa gobyerno.

Sa X post kasi ni Regine nitong Linggo, Setyembre 28, nag-usisa siya kung kailan mapapanagot ang mga may-sala sa likod ng mga nabunyag na katiwalian.

“Ang tanong may magbabalik ba ng mga ninakaw nila???? May mapaparusahan ba????  Lord save us ” saad ni Regine.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain

"Babagsak ding Pork Barrel at Pharmally  na walang nangyari pagkatapos ng mga congressional hearings."

"Sana po talaga may managot sa ginawa nilang kalapastanganan sa kaban ng bayan. Sarili lang nila ang iniisip at hindi ang mga kababayan natin na araw-araw lumalaban ng patas sa buhay mairaos lamang ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Hmmmm "

"Sa sobrang confident ni sarah discaya na magjoke, parang nakakakabang walang mangyayari"

"Ilang taon na naman kami maghihintay para magkapondo para maiayos ang flood control sa Bulacan , nakakaiyak na talaga ."

"for sure di na po yan ibabalik sa tao..pero @birgovph wag nalang pong mag tax sa sahod namin 3yrs"

"Wala yan, tayo pa ata dapat literal na kumuha"

"Syempre wala! Nag mee meeting na sila pano tayo paiikutin hays!"

Matatandaang kamakailan lang ay naghayag pa ng sentimyento si Regine sa ginagastos ng mga kurakot kumpara sa mga gustong bilhin o ipagawa ng mga karaniwang mamamayan.

Aniya, “Sa pangkaraniwang mamayan tulad natin pag may gusto tayong bilhin o ipagawa at medyo malakilaking halaga, daan daang proseso ang kailangang pagdaanan. Naroong dapat may kolateral para ma pag desisyunan ng pagkakautangan na ikaw ay karapat dapat.”

“Ganito kahirap makakuha ng pondo para matupad ang pangarap mo. Pero sa kanila parang ang dali dali lang ano?? ” dugtong pa ng Asia’s Songbird.