December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Erwin Tulfo, walang kaugnayan sa kahit anong contracting company

Sen. Erwin Tulfo, walang kaugnayan sa kahit anong contracting company
Photo Courtesy: via MB

Buo ang kumpiyansa ni Senador Erwin Tulfo na wala umano siyang kaugnayan sa kahit na anong contracting company. 

Sa latest episode ng “One on One with Karen Davila” noong Sabado, Setyembre 27, tahasang tinanong agad si Tulfo sa simula pa lang ng panayam tungkol sa pagkakaugnay nito sa mga maanomalyang kompanya.

Pero anang senador, “I can challenge anybody to investigate if mayro’n akong construction company; sumali ako sa mga project ng DPWH [Department of Public Works and Highways] when I was in the government service already; or mayro’n akong flood control [projects], I invite anybody to look into the records of DPWH.”

“Gusto po n’yo kausapin n’yo ‘yang mga contractor na ‘yan—‘yong top 15—even ‘yong wala sa top 15. [..] I can only say one thing, wala. Never. I have none,” dugtong pa ni Tulfo.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

Matatandaang tatlong senador na ang kasalukuyang pinangalanang sangkot sa katiwalian sa mga proyekto ng DPWH kabilang na sina Senador Jinggoy Estrada, Senador Joel Villanueva, at dating Senate President Chiz Esudero.

Maki-Balita: 'I vehemently deny!' Sen. Escudero, never nagkaroon ng contact kay Bernardo

KAUGNAY NA BALITA: 'Puro talaga senador tinuturo?!' Sen. Chiz pumalag sa pandadawit sa kanila sa flood control projects

Samantala, nadawit din kamakailan ang mga dating senador na sina Nancy Binay at Bong Revilla na kapuwa pinabulaanan nilang lahat ang mga ibinatong paratang.

KAUGNAY NA BALITA: Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects