December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Pagsama ni Shuvee sa paayuda ng GMA Kapuso Foundation, inulan ng reaksiyon

Pagsama ni Shuvee sa paayuda ng GMA Kapuso Foundation, inulan ng reaksiyon
Photo Courtesy: Sparkle GMA Artist Center (X)

Naispatan si dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata sa relief operation ng GMA Kapuso Foundation.

Sa isang X post ng Sparkle GMA Artist Center noong Sabado, Setyembre 27, makikita ang pagtulong niya sa pagbibitbit at paglalagay ng mga relief goods sa mga plastic. 

“Always showing up with heart No matter how packed her schedule gets, Shuvee Etrata never misses a chance to support GMA Kapuso Foundation’s relief efforts — something she’s been dedicated to for years,” saad sa caption.

Ngunit umani pa rin ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Events

Tuesday Vargas, may paalala sa Pasko: Hindi mandatoryo ang pamimigay ng regalo

"Di ko gets yung naka shades habang nagpapack ng goods"

"In times like this, you can really see how abs’ pr is marterclass. (E.g. maris racal after kabet issue)."

"Ala Marian Rivera ang trato ng GMA dyan kay Shuvee ah.. wahahhaha."

"Ang basic nung PR 101 This could have been more effective kung it was posted not by a gma staff. Ung kunyari ung video secretly taken by a random volunteer tsaka pinost sa social media."

"Sabihin na namn ng iba na bakit ngayon lang. Hahaha. May ambag na si Shuvee kahit di pa siya sikat. "

"Dapat may tarp na 'Bring Him Home!' Tapos may karton ng Tatay niya"

"dedicated to for years????eh bagong startlet lang sya di ba?nakilala nga lang sya because of PBB."

"Ulol. Mga DDS at delulu na lang maniniwala sa paandar ng panggaperang 'yan. PR pa more!"

"Aralin muna mabuti PR. Kaloka unahin si Madam Anette, masyadong halata may favorite child. Lalo sumablay defend pa more."

Matatandaang kinuyog kamakailan ng maraming netizens matapos muling lumutang ang mga lumang post at video niya partikular ang pagpapakita niya ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t humingi na siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.

Kaya sa isang Faceook post ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes noong Biyernes, Setyembre 26, dinepensahan niya si Shuvee at sinabing hindi umano ito “die hard” sa sinomang politiko.

Maki-Balita: Annette Gozon-Valdes, dinepensahan si Shuvee Etrata: 'Let's respect each other's opinion’

Sa kasalukuyan, naka-deactivate ang X account ni Shuvee ngunit existing pa rin naman ang iba pa niyang social media accounts tulad ng Facebook at Instagram.

Maki-Balita: Shuvee Etrata, nag-deactivate sa X