December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos ang tsikang hiwalayan: Cafe ng fiancée ni Ryan Bang, magsasara na!

Matapos ang tsikang hiwalayan: Cafe ng  fiancée ni Ryan Bang, magsasara na!
Photo Courtesy: Ryan Bang, Siesta Horchata (IG)

Inanunsiyo ng fiancée ni “It’s Showtime” Ryan Bang na si Paola Huyong ang pagsasara ng cafe niya sa Quezon City matapos lumutang ang usap-usapang hiwalay na umano ang dalawa.

Maki-Balita: 'May problema nga!' Kasalang Ryan Bang, Paola Huyong tuloy pa nga ba?

Sa latest Instagram post ng Siesta Horchata noong Sabado, Setyembre 27, pinasalamatan nila ang kanilang mga customer para gawing posible ang kanilang munting pangarap.

“Thank you for making us possible. This little dream of ours started with one goal. That is to bring you a moment of comfort, joy, and sweetness in every sip. And you gave that back to us tenfold.” saad sa pahayag ng Sieta Horchata.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Sa ngayon, hindi pa umano nila eksaktong alam kung ano ang kasunod pagkatapos nilang magsara.

“[B]ut we’re leaving with full hearts and deep gratitudes. To honor the commitments and communities that made this journey so special, we'll still have events and be popping up with our carts until January 2026,” anila.

Dagdag pa ng pamunuan ng cafe, “Let's make the most of these final sips. We'd love to see you before we say goodbye.”

Ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ang cafe umano ni Paola na matatagpuan sa 33 Scout Santiago, Diliman ay nakapuwesto mismo sa second floor ng gusali kung saan nandoon din ang Korean restaurant na pag-aari ni Ryan.

Matatandaang base sa latest tsikang nasagap ni showbiz insider Ogie Diaz, totoong may problema umano sina Ryan at Paola at inaayos umano nila ito.