December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Kuryente sa Masbate, aabutin pa ng 30 araw para maisaayos

Kuryente sa Masbate, aabutin pa ng 30 araw para maisaayos
Photo courtesy: ABS-CBN News (FB screenshot), PNA (website)

Ibinahagi ni Masbate Governor Richard Kho na aabutin ng 30 araw ang pagsasaayos ng kuryente sa buong lalawigan ng Masbate matapos ang hagupit ng bagyong “Opong” kamakailan.

“We’ve talked to the electric cooperative, they gave us an estimate of one month para ma-restore ‘yong power sa buong probinsya ng Masbate, at least 30 days,” saad ni Kho sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News nitong Linggo, Setyembre 28.

Ayon din kay Kho, bagama’t naghanda sila at nag-antabay bago ang landfall, hindi pa rin daw nila inasahan ang matinding epekto ng bagyong “Opong” sa kanilang lalawigan. 

“Actually, the day before pa lang, nagsuspend na kami ng classes. We already anticipated na dadaan sa amin ang bagyo, but we did not expect na ganito ang damage sa amin dahil sa sobrang lakas ng hangin, di namin inasahan na ganito ang destruction,” aniya. 

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Dahil dito, unti-unting bumabangon ang buong probinsya, nagsimula na ang clearing operations at nakaabot na ang ilang ayuda sa mga munisipyo.

“Ngayon po, we’re trying to recover, nagki-clearing tayo. Salamat po sa National Government, ‘yong mga ayuda po, ‘yong mga tulong, nakakaabot na sa mga munisipyo kahit paunt-unti, nagsimula na kahapon [Sabado, Setyembre 27],” aniya pa. 

Sa kaugnay na balita, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nito ring Linggo, Setyembre 28, 738,714 pamilya o 2,797,706 indibidwal ang naapektuhan ng mga bagyong “Opong,” “Nando,”, at “Mirasol,” kasama rin ang habagat sa 16 na rehiyon sa bansa. 

Sean Antonio/BALITA