Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang hirit na biro ni Megastar Sharon Cuneta para sa mister na si Sen. Kiko Pangilinan, kaugnay ng "nepotism."
Hirit kasi ni Mega, kung maluho raw na asawa si Sen. Kiko, baka "nepo husband" daw ang itawag sa kaniya.
"Kung maluho lang si @kiko.pangilinan , NEPO HUSBAND ang itatawag sa kanya," mababasa sa post ni Shawie sa Instagram post niya noong Sabado, Setyembre 27.
Umani naman ito ng reaksiyon mula sa netizens.
"In short, mas mayaman si Sharon kay Kiko at matagal ng mayaman si Sharon at lalong yumaman noong nagsimula mag artista. So walang pwedeng ipintas sa kanilang pamilya at pamumuhay. Lahat ng Hermes ni Mega galing sa dugo’t pawis at puyat. Hindi sa bulsa ng taong bayan."
"Simple lang naman si Sen Kiko, kaya gusto namin siya."
"Sharon made the right choice of getting a husband with honor and integrity. Kiko will remembered someday of his legacy. I hope he will have a chance to serve the country for a long time. we need honest people like @kiko.pangilinan . Thank you @reallysharoncuneta for continuously supporting the political career of your husband. You are also a great reason why Kiko still serving the Filipino people."
"100% Mega! Sen Kiko ang hindi kurakot, tapat sa serbisyo at sa bayan proud ako na binoto ko siya."
"I loveeeettt !!! Ibig sabihin ikaw amg milyonarya at siya ay humble servant ng bayan . Good job Sen Kiko."
Sa kabilang banda, isang netizen naman ang bumarda kay Mega at sinabing hindi funny ang hirit niya.
"Not a funny joke! Not a nice thing to say!!!" anang netizen.
In fairness kay Sharon, talaga namang patola siya at sinagot-sagot ang nabanggit na basher.
"Joke, Mayette. What’s the prob?" aniya.
Hindi na sumagot ang basher subalit ipinagtanggol pa rin siya ng iba pang netizens.
"mega, mahina yata reading comprehension ng mga bashers mo… chillax , be more healthy , happy and beautiful.."
"Hindi nya na gets ang caption ni @reallysharoncuneta mas marami pera si sharon ah buti nlng hindi ginaya ni chez e."
"idol mo ba natamaan?"
"oo nga po ang hirap nya naman pasayahin ang lungkot po nyan Ate Shawie."
Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng ibang kahulugan ang terminong "nepo babies" na tumutukoy ngayon sa mga anak o kaanak na nakinabang sa pera ng mga umano'y sangkot sa korapsyon ng maanomalyang flood control projects.
Ayon sa Merriam Webster, ang nepotismo ay maituturing daw na “favoritism.” Ito ay isang akto o anyo ng pagpabor na mabigyan ng trabaho, pribilehiyo, o oportunidad ang isang tao dahil sa pagiging magkamag-anak o magkadugo.
Sa Britannica naman, ito ay nagpapatungkol sa “unfair practices" na nagbibigay ng trabaho sa mga kamag-anak, kadugo man o batay sa kasal.
Habang sa Cambridge Dictionary naman, ito ay isang uri ng paggamit ng kapangyarihan o impluwensya upang magbigay ng trabaho o magandang posisyon sa miyembro ng pamilya.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'