December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Gardo Versoza sa pagiging babaero: 'Hindi siya iniyayabang!'

Gardo Versoza sa pagiging babaero: 'Hindi siya iniyayabang!'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Nagbigay ng sariling pananaw ang batikang aktor na si Gardo Versoza patungkol sa pagiging babaero.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Sabado, Setyembre 27, sinabi ni Gardo na hindi dapat iniyayabang ang pagiging chick boy.

Aniya, “Sa sarili kong pananaw, hindi siya iniyayabang, e. ‘Pag babaero ka, itinatago mo nga, e, kasi nakaka-offend sa babae.

“So, hindi mo siya dine-declare na ‘chick boy ako!’ dahil walang gano’n. Sila ‘yong magtuturo sa ‘yo na ‘ay, babaero ‘yan,’” dugtong pa ni Gardo.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Pero nang dumating ang asawa ni Gardo sa buhay niya, natagpuan niya ang mga katangiang hinahanap niya sa isang nanay.

Matatandaang Mayo 2019 nang pakasalan ni Gardo ang misis niyang si Ivy Vicencio sa Clark Pampanga. Pero bago pa man ito, higit isang dekada na silang nagsasama. 

Sa katunayan, may isa na silang anak na lalaki na ang pangalan ay Deity Uziel.