January 26, 2026

Home BALITA

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, sasalubong sa buwan ng Oktubre

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, sasalubong sa buwan ng Oktubre
Photo courtesy: Pexels

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang aasahang sasalubong sa mga motorista sa pagtatapos ng Setyembre at pagpasok ng buwan ng Oktrubre.

Ayon sa isang petroleum company, magkakaroon ng rollback sa presyo ng gasolina na maglalaro ng ₱0.50 hanggang ₱0.70 kada litro.

Matatandaang noong Setyembre 23 nang magkaroon ng price hike na ₱1.00 kada litro sa gasolina.

Habang may pagtaas naman sa presyo ng diesel na maglalaro ng ₱0.30 hanggang ₱0.50 kada litro.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ayon pa sa Oil Industry Management Bureau, ilan sa nakikitang nakakaapekto sa paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay ang banta ng Amerika na patawan ng taripa ang mga bansa sa Europa na bibili ng langis ng Russia. 

Ito na ang ikaanim na linggo ng sunod-sunod na paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo, habang ito naman ang unang beses na makakapagtala ng rollback sa gasolina.