Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na tinitingnan nila at posibleng isama sa konsiderasyon ang naging akto ng pag-finger heart sign at mga pahayag ng kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya nang magsadya sila sa tanggapan ng ahensya, para sa pagsusumite sa requirements ng aplikasyon para sa "Witness Protection Program (WPP)," Sabado, Setyembre 27.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Feeling safe na?’ Sarah Discaya, binakbakan sa ‘finger heart’
Ayon sa mga ulat, sinabi ni Clavano na ito raw ay tila isang palatandaan ng hindi pagiging tapat at ng pagiging kampante," ani Clavano. Hinihikayat daw ang lahat ng persons of interest sa kasong umakto nang naaayon.
"It is a sign of insincerity and complacency," pahayag ni Clavano sa panayam sa kaniya ng media.
"We urge all persons of interest in this case to behave accordingly," dagdag pa niya.
Bukod sa pag-finger heart, nag-iwan din ng hirit si Discaya na gandahan daw ang mga memes na ginagawa laban sa kaniya.
"Gandahan n'yo 'yong memes ko," saad daw ni Discaya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Gandahan n'yo 'yong memes ko!'—Sarah Discaya
Isa sa mga memes na pinag-uusapan ngayon ay ang pagkuha niya ng dalawang cans ng softdrinks sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kamakailan.
Samantala, ang witness protection ay isang programa kung saan poprotektahan ang kanilang seguridad at banta sa buhay, kasama ng iba pang mga saki, habang patuloy na isinisiwalat ang mga nalalaman nila tungkol sa isyu, ngunit hindi nangangahulugang "state witness" na sila.
Wala pang pahayag ang kampo ng mga Discaya tungkol dito.