December 12, 2025

Home BALITA

‘Baka magkalat ka ng virus mo diyan!’ Pulong, may pasaring kay Trillanes

‘Baka magkalat ka ng virus mo diyan!’ Pulong, may pasaring kay Trillanes
Photo courtesy: via MB, Antonio Trillanes/FB

Pinasaringan ni Davao 1st district Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pagpunta ni dating senador Antonio Trillanes sa The Hague, Netherlands.

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Setyembre 27, 2025, binanggit ni Duterte na tila si Trillanes umano ang nag-welfare check sa kaniyang amang si dating Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC). 

“Si Trililing pala ang pinadala ng mga BANGAG para mag welfare check kay PRRD??” ani Pulong.

Matatandaang noong Sabado rin ng ibahagi ni Trillanes sa isang FB post ang kaniyang larawan sa harapan ng ICC at saka pinatutsadahan ang kampo ng mga Duterte.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“Relax lang po. Nasa loob pa si Duts. Nagha-hanapbuhay lang ang abogado niya,” saad ni Trillanes.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Relaks lang nasa loob pa!’ Trillanes nagpasaring sa hiling na interim release ni FPRRD

Banat pa ni Pulong, “Baka magkalat ka ng virus mo dyan at di ka pa naman na inject ng anti-rabies shot mo. Oo nga pala strict ang Netherlands siguradong dinaan ka muna sa Quarantine ng mga hayop! Kasama mo rin ba ang TUTA mong si Lascañas?”

Saad pa ng mambabatas, mangyayarin din umano kay Trillanes ang sinapit ng kaniyang ama na magkaroon ng selda.

“Wag ka mag alala magkaka ganyan ka rin na selda, hintayin mo lang. Umuwi ka na sa Pinas at harapin niyo na mga kaso niyo mga duwag kasi kayong mga SUNDALONG KANIN,” saad ni Pulong.