January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Nakakabawas nga ba ng calories ang ‘bembangan?’

ALAMIN: Nakakabawas nga ba ng calories ang ‘bembangan?’
Photo courtesy: Unsplash


Maraming paraan upang bawasan ang calories sa katawan, katulad na lamang ng ehersisyo, pagtakbo, o ang kahit ang simpleng paglakad.

Ngunit kumakalat ngayon sa social media ang isang content kung saan binabanggit na ang “pakikipag-bembang,” kolokyal na salin ng salitang pakikipagtalik, ay nakakabawas din umano ng calories sa katawan. Totoo nga ba ito?

Sabi sa video kung saan may isang babae ang sumasayaw sa saliw ng awiting “I Want It That Way” ng Backstreet Boys, ang calories na nababawas umano sa lalaki na pakikipagtalik sa loob ng 30 minuto ay approximately 100 calories, at approximately 69 calories naman sa babae.

 Ibinahagi ng content creator na si “Doc Adam” sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Setyembre 28, kung tunay nga ba na nakababawas ng calories ang nasabin gawain.

“Ayon sa ilang pag-aaral, the average time ng pakikipagtalik is 5 minutes, not 30 minutes. 100 calories from 30 minutes of exertion seems incredibly low,” ani Doc Adam.

Ipinakita niya rin ang isang chart, kung saan nagpapakita ito ng mga gawain at mga calories na nababawas kung gagawin ang mga ito sa loob ng 30 minuto.

Human-Interest

Sana oil! Bakit interesado si US Pres. Donald Trump sa langis ng Venezuela?



“We can see the average man burns 173 calories just from walking at a very slow pace. An average woman also burns 134 calories from walking at the same pace,” aniya.

“So kung talagang 100 calories lang that you’re burning from your pakikipagtalik, siyempre, mabagal na mabagal ang pakikipagtalik na ginaagawa mo,” dagdag pa niya.
 

Ayon sa pag-aaral ni Lindsay Curtis ng Very Well Health (2025), ang pakikipagtalik ay nakababawas nga ng calories sa katawan ng tao. Ito ay iba-iba ngunit ang “estimated amount” na nababawas ay nasa 130 calories, depende sa intensity at paraan kung paano ito gawin.

Ang iba umanong pag-aaral ay nagsasabi rin na sa loob ng 13 minuto, posibleng makabawas ang bembangan ng 86 hanggang 174 calories; at mayroon din namang nagpapaliwanag na ang 25 minuto na bembangan ay nakakabawas ng 85 calories.

Sa iba pang pag-aaral, sinasabing kada minuto ng bembangan, nababawasan ang katawan ng babae ng halos 3.1 calories, samantalang 4.2 naman sa lalaki.

Malinaw na nakababawas nga ng calories ang bembangan, ngunit sadyang nakaaapekto ang ilang salik tulad ng intensity, positions, at kung gaano katagal isagawa ang bembangan, sa tunay na bilang ng calories na nababawas sa katawan ng tao.

Vincent Gutierrez/BALITA