Dinepensahan ng Sparkle GMA Artist Center si Kapuso star at socialite Heart Evangelista mula sa pekeng balita.
Sa isang Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center noong Sabado, Setyembre 26, tinawag nilang peke ang artikulo ng isang media outlet.
Pumapatungkol ang artikulo sa umano'y paglalaglag ng brands kay Heart sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng misis nitong si dating Senate President Chiz Escudero.
"Don't be fooled by fake news. Always be vigilant when reading articles online," saad ng Sparkle GMA Artist Center.
Matatandaang nadawit kamakailan si Escudero sa maanomalyang flood control projects matapos siyang banggitin sa ikaanim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Batay sa sinumpaang salaysay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, nabanggit niya ang mga pangalan nina Escudero, at mga dating senador na sina Makati City Mayor Nancy Binay at Ramon "Bong" Revilla, Jr., na umano'y pawang nakatanggap din ng kickback mula sa maanomalyang proyekto.
Pinabulaanan naman ng senador ang paratang na ibinato laban sa kaniya ng dating DPWH undersecretary.
Aniya, "I vehemently deny the malicious allegations and innuendos made by former DPWH Usec. Roberto Bernardo in today’s Senate Blue Ribbon Committee. By his own admission, he never had any contact with me directly regarding this matter. I will prove that he is lying about my alleged involvement."
Maki-Balita: 'I vehemently deny!' Sen. Escudero, never nagkaroon ng contact kay Bernardo