December 17, 2025

Home BALITA

Pilipinas, nanguna bilang 'most disaster-prone' country ayon sa WorldRiskIndex 2025

Pilipinas, nanguna bilang 'most disaster-prone' country ayon sa WorldRiskIndex 2025
Photo courtesy: via AP News

Nanguna ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo bilang “most disaster-prone nation” ayon sa WorldRiskIndex 2025.

Batay sa datos na inilabas ng WorldRiskIndex noong Setyembre 24, 2025, tinatayang nasa 193 bansa ang kasama sa kanilang pagsusuri kung saan nanguna ang Pilipinas sa nasabing klasipikasyon.

Nag-rank 1 ang Pilipinas na may 46.45 high vulnerability risk bilang isang bansang disaster-prone. Sumunod ang India sa ikalawang puwesto na may 40.73, Indonesia na may 39.80, Columbia na may 39.26 at Mexico na may record na 38.96.

Ayon pa sa WorldRiskIndex, “The risk profile of the Philippines is characterized by a variety of natural hazards, with river and coastal flooding playing a particularly central role.”

Internasyonal

Babae, nagpakasal sa isang AI persona!

Nanguna rin ang bansa sa kategorya ng “lack of coping capacities” at “lack of adaptive capacities.” 

Samantala, nanguna naman ang Metro Manila gayundin ang mga probinsya ng Cagayan, Pampanga, Laguna, Metro Manila at Agusan del Norte sa mga lugar sa bansa na may “very high exposure” sa mga pagtama ng kalamidad.

Matatandaang nananatiling mainit na isyu sa bansa ang maanomalyang flood control projects na inaasahang tutugon dapat sa malawakang pagbaha na isa sa mga pangunahing problema ng bansa sa tuwing tumatama ang mga bagyo.

Noong Hulyo 2025 nang tuluyang naungkat ang usapin sa maanomalyang proyekto nang ungkatin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'