December 14, 2025

Home BALITA Metro

Pickup truck, nahulog sa hukay ng MRT-7; driver, nakatulog daw?

Pickup truck, nahulog sa hukay ng MRT-7; driver, nakatulog daw?
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Bumangga ang isang pickup truck sa mga harang at nahulog sa hukay ng konstruksyon ng MRT-7 sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Sabado ng umaga, Setyembre 27, 2025. 

Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang insidente malapit sa Don Antonio Heights patungong Elliptical Road bandang alas-7 ng umaga.

Tumagos ang sasakyan sa mga plastic delineator bago tuluyang bumagsak sa hinuhukay na lugar ng proyekto.

Kinumpirma ng mga awtoridad na ligtas ang driver at mga pasahero.

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!

Dagdag ng MMDA, posibleng nakatulog ang driver kaya naganap ang aksidente.

Agad namang ipinadala ang mga tauhan upang linisin ang lugar at maibsan ang trapiko.

Pinayuhan din ang mga motorista na mag-ingat at maglaan ng karagdagang oras sa biyahe kapag dumaraan sa Commonwealth stretch.