December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Palit sa kiffy? Vice Ganda, bet ibigay ‘pututoy’ niya kay Klarisse De Guzman

Palit sa kiffy? Vice Ganda, bet ibigay ‘pututoy’ niya kay Klarisse De Guzman
Photo courtesy: Screenshot from Circle of Stars (YouTube)

Nagdulot ng katatawanan sa madlang people ng "The Big Night" concert ng tinaguriang "The Nation's Mowm" at Kapamilya Sould Diva na si Klarisse De Guzman ang hirit sa kaniya ni Unkabogable Star Vice, habang nagbibiruan sila sa stage, na naganap noong Biyernes, Setyembre 26, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Isa nga si Vice Ganda sa bigating celebrity guests ni Klang sa kaniyang first major solo concert sa Big Dome, na ayon nga sa Kapamilya singer at dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate, ay isang dream come true para sa kaniya.

Buong-buo ang suporta at paniniwala ni Vice Ganda kay Klarisse, na sa katunayan, ang una pa nga ang nag-produce ng first major solo concert ng huli, sa New Frontier Theater sa Quezon City noong nakaraang taon.

Matapos nga ang PBB stint ni Klarisse, talaga namang sumirit na paitaas ang career niya, hindi na lamang sa pagkanta, kundi maging sa acting at endorser career era.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Going back sa concert, nag-collab nga ang dalawa sa pag-awit ng 'Sirena" ni Gloc-9. Pagkatapos ay nagchikahan na ang dalawa sa stage.

Ibinahagi ni Vice Ganda kung gaano siya kasaya at ka-proud para kay Klarisse, dahil unti-unti nang dumarating ang mga oportunidad para sa kaniya. Binanggit din ng komedyante-TV host ang ningning sa mga mata ni Klarisse sa shooting ng pelikulang "Call Me Mother" na entry nila ni Nadine Lustre sa 2025 Metro Manila Film Festival, sa direksyon pa rin ni Jun Robles Lana.

Kaya naman todo-pasalamat si Klarisse sa suporta at tiwalang ibinibigay sa kaniya ni Meme Vice.

Kaya sey ni Vice Ganda, lahat daw ay gagawin niya para kay Klarisse, at kung puwede nga lang daw ibigay sa Kapamilya diva ang "pututoy" niya, ay gagawin niya.

"Lahat ng puwede kong gawin para sa 'yo, gagawin ko, kung puwede ko lang ibigay sa 'yo 'to [sa pututoy niya], hindi ko naman ginagamit, sa 'yo na lang," aniya na ikinatawa naman ni Klarisse at ng buong Araneta.

"Tutal parang gusto mo 'to, gusto ko niyan [turo sa kiffy ni Klarisse], bakit 'di tayo magpalit?" dagdag pa niya.

Matatandang habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, inamin ni Klarisse na isa siyang bisexual.

Ipinakilala rin niya sa publiko ang kaniyang girlfriend na si Trina Rey.

Samantala, sumundot din ng tirada si Vice sa isyu ng korapsyon, matapos niyang purihin ang stage design ng concert.

"Tingnan mo naman ‘yong stage. Ang ganda-ganda ng stage n'yo. Ang taray, hindi substandard,” hirit ni Vice Ganda, na tila na-gets naman ng mga tao kung ano ang pinasasaringan.

“‘Di ba? May budget. Tinodo ang budget, hindi kinupit ang budget. ‘Pag hindi kinupit, maganda ang kinalalabasan eh," dagdag pa niya.

Hirit pa niya, "'Yong mga people behind, sila 'yong pagod, lapot. Kasi gano’n talaga ang serbisyo. Sa likod, pagod ka, lapot. Ang nakikinabang, ‘yong mga naririto.”

“Sa ibang bahagi kasi ‘di ba, ‘yong mga dapat makinabang—lapot. Pero ‘yong mga dapat magserbisyo, sila ‘yong fresh,” patutsada pa ni Vice Ganda.

KAUGNAY NA BALITA: 'Di substandard, tinodo, 'di kinupit budget!' Vice Ganda, may hirit tungkol sa stage ng concert ni Klarisse