December 23, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, inispluk dahilan kung bakit wala si Shuvee Etrata sa ‘It’s Showtime’

Ogie Diaz, inispluk dahilan kung bakit wala si Shuvee Etrata sa ‘It’s Showtime’
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Shuvee Etrata (FB)

Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika kung bakit hindi nakikita ngayon si Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata sa "It's Showtime."

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Setyembre 27, sinabi ni Ogie na nagpapahinga raw muna si Shuvee.

"Ang nakarating lang sa akin ay pahinga muna si Shuvee. [...] Basta 'yon ang word sa akin," saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, "Hindi ko alam kung si Shuvee ang nag-decide na 'magpapahinga muna ako.' Or 'yong 'It's Showtime' ang nagsabi na magpahinga muna, or 'yong GMA.”

Pura Luka Vega, nag-Maui Wowie sa libreng sakay sa MRT

Matatandaang kinalkal ng ilang netizens ang lumang videos at posts ni Shuvee kamakailan, partikular ang pagpapakita niya ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t humingi na siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.

Kaya sa isang Faceook post ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes noong Biyernes, Setyembre 26, dinepensahan niya si Shuvee at sinabing hindi umano ito “die hard” sa sinomang politiko.

“She has had very very few (and short) posts that have political color in the past. She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the government,” saad ni Annette.

Maki-Balita: Annette Gozon-Valdes, dinepensahan si Shuvee Etrata: 'Let's respect each other's opinion’