Naghayag ng suporta ang Mayor For Good Governance o M4GG para kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos nitong magbitiw bilang Special Adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa isang Facebook post ng M4GG nitong Sabado, Setyembre 27, pinagtibay nila ang kanilang buong kumpiyansa para kay Magalong.
“We, the members of M4GG, affirm our complete confidence in Mayor Benjamin Magalong,” saad ng grupo.
Dagdag pa ng M4GG, “We call on all who believe in integrity and accountability to recognize and support his steadfast commitment to good governance.”
Sa huli, inihayag ng M4GG ang kanilang paninindigan sa krusada para sa katotohanan at laban sa korupsiyon upang maibigay sa bawat Pilipino ang prinsipyadong pamumunong nararapat makamit ng mga ito.
“Our fight for good governance is not a sprint but a long game, one we are committed to winning for the people we serve,” pahabol pa nila.
Matatandaang nagbitiw sa posisyon si Magalong matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pag-aralan ang pagkahirang sa kanila dahil sa umano'y conflict of interest.
Maki-Balita: Magalong, nag-resign na bilang ICI special adviser