Patok ngayon sa panlasa ng mga mag-aaral sa Hawaii ang isa sa mga paboritong luto sa manok ng mga Pilipino na Tinola.
Ayon sa ibinahagi ng Hawaiʻi State Department of Education sa kanilang Facebook page at website noong Setyembre 24, 2025, ibinida nila ang nasabing Filipino dish sa mga mag-aaral sa Oʻahu, Kauaʻi at Hawaiʻi Island.
“This September Hawaiʻi public school cafeterias on Oʻahu, Kauaʻi and Hawaiʻi Island were offered the opportunity to serve chicken papaya soup — a classic Filipino dish also known as Tinola — for lunch using locally sourced bok choy and green papaya, as available.,” panimula nila.
Ayon sa Hawaiʻi State Department of Education, nakapamahagi sila ng umabot sa 2,000 pounds ng mga bok choy (petsay) sa 75 bilang ng mga paaralan sa nasabing lugar.
“Over 2,000 pounds of local bok choy was distributed to 75 participating schools, and locally sourced green papaya was supplied to all participating Hawaiʻi Island schools,” anila.
Pagpapatuloy pa ng nasabing departamento, tila bago sa panlasa ng mga mag-aaral ang natikman nilang Tinola ngunit nagustuhan iyon ng mga bata.
“I thought it was a very unique dish. I’ve had something similar [that] my grandma has made for me…I thought it tasted very good.” ayon umano sa isang sixth grader na si Jayden Fukuhara.
Komento naman ng sixth grader na si Chase Kim Han, “I thought it was really good and I really enjoyed it. It kinda tasted like miso soup.”
“It tasted like my mom’s soup at home. I loved it!” saad naman ng isang second grader na si Kennedy Supebedia.
Tinukoy rin ng Hawaiʻi State Department of Education ang mga bitaminang maaaring makamit ng mga mag-aaral sa pagkain ng bidang-bidang Filipino dish na Tinola.
“In addition to bringing a locally sourced, homestyle meal to students’ plates, the dish packs a nutritional punch. Bok choy is rich in vitamin K, C and A, as well as folate, calcium, magnesium, phosphorus and potassium. Green papaya is low in sugar and calories, and is also rich in vitamins C, B, potassium and fiber,” anang Hawaiʻi State Department of Education.
Maituturing umanong mahalagang bagay ang paglalapit ng Filipino dish na Tinola sa mga pampublikong paaralan sa Hawaii dahil pinapakain nila ang aabot sa 100,000 bilang ng kabataan araw-araw.
“Hawaiʻi public schools are one of the state’s largest institutional consumers of food products, serving over 100,000 student meals a day. The Department continues to work closely with local vendors statewide to see how fresh local produce can be scaled across all schools in the future on a regular basis,” pagtatapos nila.
Mc Vincent Mirabuna/Balita