December 18, 2025

Home FEATURES Trending

'Lola's love supremacy:' Netizens, naantig sa pag-alalay ng lola sa apo na umiiyak

'Lola's love supremacy:' Netizens, naantig sa pag-alalay ng lola sa apo na umiiyak
Photo courtesy: franchettepalomo20 (TikTok screenshot)

Para sa mga Pilipino, ang lolo at lola ay may mahalagang gampanin sa pamilya – sila ang nagsisilbing gabay, mentor, at storyteller dahil sa mga karanasan nila sa buhay.

Sa iba pa ngang mga apo, sila ang “fairy godparents” na tumutupad sa mga kagustuhan na hindi kalimitang ibinibigay ng magulang.

Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagkaantig ng netizens sa kamakailang viral social media post ng lola na lumapit at umakap sa kaniyang apo na umiiyak dahil sa stress sa trabaho.

“I was overwhelmed with so much stress at work, and all my problems came crashing down at once, but my lola kissed and hugged me. Thank you so much, Mama,” ito ang saad ng owner ng video na si Franchett Palomo sa kaniyang TikTok reel na umani ng mahigit 5,000 engagement.

Trending

French fries outlet, nilansihan franchisee matapos umanong maghain ng business proposal?

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Franchett, ibinahagi niyang ang pag-iyak na nakuhanan sa video ay bukod sa stress dala ng bigat ng trabaho, kasabay ang mga bills na kailangang bayaran sa kabila ng mahinang kita, kung kaya’y humingi siya ng lambing sa kaniyang lola. 

“Umiiyak na ako ng ilang minuto tapos may isa akong kasama sa bahay sabi ko bat nya ako vinivideohan na iistress na ako sa trabaho. Tapos tinawag ko siya [ang kaniyang lola] sinabi ko, ‘Mama kiss mo nga ako.’ Sinabi niya sakin na ‘wag na raw ako umiyak dahil naiiyak din daw sya,” saad niya. 

Ayon pa kay Franchett, lumaki siyang malapit sa kaniyang lola, at talaga raw na expressive ito sa pagpapakita ng pagmamahal sa apo. 

“Kapag umuuwi ako meron na agad pagkain sa bahay, Kumpleto breakfast, lunch, and dinner. Lagi nya din akong kinakamutan ng ulo kapag inaantok na ako kahit 30mins nya ako kinakamutan hindi sya nagrereklamo na ngangalay daw sya,” aniya. 

Sa pagtatapos ng panayam, nagbigay rin siya ng mensaheng pasasalamat sa 78-anyos na apo. 

“Hi Ma, since na maliit palang ako/kaming mga apo mo, andyan ka palagi para sakin ikaw halos ang nag palaki at nag alaga samin. Sana mas humabas pa ang buhay mo dahil kapag nanalo ako sa buhay ibibigay ko yung deserve mo kahit saan pumunta at mabili lahat ng gusto mo. Mahal na mahal kita at naming mga apo mo!” aniya pa. 

Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng kanilang saloobin ang netizens, habang ang iba ay nagawa rin magkuwento ng personal na karanasan sa kanilang lolo at lola. 

“please please treasure all your moments with her ”

“You’re winning in life”

“Miss my lola so much. Kung buhay pa sya, bibilhin ko lahat ng fave nya. Hindi pa kasi malaki sweldo ko nung buhay pa sya kaya hindi ko sya na-ispoil .”

“As a laking lola sobrang miss na miss ko na lola ko. ”

“Having Lola besides you is the best. Missing my Lola I loved her so much ”

“paki-hug po si lola para sa akin ”

Sean Antonio/BALITA