December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kung magpapatuloy nakawan sa bansa, maraming pamilya ang masisira sey ni Vice Ganda

Kung magpapatuloy nakawan sa bansa, maraming pamilya ang masisira sey ni Vice Ganda
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB)

Bumoses si Unkabogable Star Vice Ganda para sa mga Pilipinong hinahanap ang magandang kapalaran sa ibang bansa. 

Sa isang Facebook post ni Vice Ganda nitong Sabado, Setyembre 27, ibinahagi niya ang video clip mula sa isang episode ng "It's Showtime."

Kinuwento ng contestant ng isang contestant ng segment na "Laro, Laro, Pick" ang plano nitong mangibang-bansa matapos  makapag-aral ng cookery.

Kung papalarin, siyempre, para makapag-apply ng kung ano 'yong inaaral ko ngayon. [...] Kasi magula pa rito, e, [sa Pilipinas]."

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Sey tuloy ni Vice, "Ang mga Pilipino, nakikita nila ang salvation nila wala sa Pilipinas,  nasa ibang bansa."

"Kaya hangga't di natatapos 'tong problema sa Pilipinas, itong malaking level ng nakawan sa gobyerno, napakarami pang pamilyang masisira dahil maraming magulang at kaanak ang lalabas ng bansa para magtrabaho," dugtong pa niya.

Ayon sa contestant na kinilalang si "Dan," pangatlong beses na raw siyang mangingibang-bansa sakaling matuloy siya pagkatapos ng kaniyang pag-aaral. 

Una siyang napadpad sa Saudi Arabia at sunod naman niyang nilapagan ay Hong Kong.

Gayunman, hiniling pa rin ni Vice ang pag-asenso ni Dan sa pag-aaral nito ng cookery sa loob o labas man ng Pilipinas.