December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jake Cuena, Chie Filomeno iniintrigang hiwalay na!

Jake Cuena, Chie Filomeno iniintrigang hiwalay na!
Photo Courtesy: Jake Cuenca, Chie Filomeno

Usap-usapan ang napapabalitang hiwalayan nina celebrity couple Jake Cuenca at Chie Filomeno.

Kung bibisitahin kasi ang Instagram account ng dalawa, hindi sila naka-follow pa sa isa't isa. 

Bagama't walang lumulutang na anomang isyu sa pagitan nina Chie at Jake, kapansin-pansin na wala silang latest pictures nang magkasama, dahilan para mabuo ang hinalang split na ang dalawa.

Sa ngayon, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Jake at Chie para kumpirmahin o pabulaanan ang mga intriga.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero kung sakali mang totoo ang bali-balita, tila nakakapanghinayang naman ang nasimulang relasyon ng dalawa lalo pa’t sinabi ni Jake sa isang panayam noong Agosto 2024 na nakikini-kinita na umano niyang bumuo ng pamilya.

“To be honest, right now, parang I can see it but I’m just not rushing into it and at the same time the person I’m with has also big dreams,” saad ng aktor.

Maki-Balita: Jake Cuenca, nakikini-kinita na ang pagpapamilya

Matatandaang si Chie ang huling babaeng na-link kay Jake noong 2023.

In fact, nilinaw ng aktor ang real-score sa pagitan nilang dalawa sa ginanap na “Hot Summer LaHot Sexy 2023."

Nagsimula ang usap-usapan na nililigawan umano ni Jake si Chie noong mapansin ng mga netizen ang walang humpay na pagkokomento ni Jake sa mga sexy photos ni Chie.

MAKI-BALITA: Jake Cuenca, may sey na sa real score nila Chie Filomeno!