January 06, 2026

Home BALITA National

Higit 500,000 pamilya, apektado ng sunod-sunod na bagyo at habagat – NDRRMC

Higit 500,000 pamilya, apektado ng sunod-sunod na bagyo at habagat – NDRRMC
Photo courtesy: Coast Guard District Southern Tagalog, Coast Guard District Bicol (FB)

Umakyat na sa 520,165 ang bilang ng mga pamilya o 2,026,246 indibidwal ang apektado ng habagat at mga nagdaang bagyo, ayon sa situational update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 6:00 ng umaga nitong Sabado, Setyembre 27.

52,166 na pamilya rito ang kasalukuyang nasa 1,906 evacuation centers, habang 40,913 pamilya naman ang binibigyang-tulong sa labas nito.

Ang mga pamilya at indibidwal na bumubuo sa bilang ay mula sa 4,219 na barangay sa 15 rehiyon, kabilang ang mga lalawigan at rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) Central Luzon, National Capital Region (NCR), CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKARGEN, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon din sa ulat, mayroon nang kumpirmadong 4 na namatay mula sa Cordillera, at kasalukuyan pang iniimbestigahan ang 15 na ulat ng mga namatay mula sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, at Eastern Visayas.

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

Sa kaugnay na balita, 5,202 ang bilang ng mga nasirang bahay, habang ₱ 914.875 milyon naman ang halaga ng mga napinsalang pananamin at ₱822.164 para sa mga napinsalang imprastraktura.

Sean Antonio/BALITA

Inirerekomendang balita