December 13, 2025

Home BALITA

‘Feeling safe na?’ Sarah Discaya, binakbakan sa ‘finger heart’

‘Feeling safe na?’ Sarah Discaya, binakbakan sa ‘finger heart’
Photo courtesy: via DOJ Pool

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pa-finger heart ng kontratistang si Sarah Discaya sa pagbalik niya sa Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, Setyembre 27, 2025. 

Ayon sa mga ulat, nagtungo sa DOJ ang mag-asawang Discaya para sa pagpapatuloy ng case build-up na isinasagawa ng gobyerno kaugnay ng malawakang korapsyon sa maanomalyang flood control projects.

Bitbit din ng mag-asawang Discaya ang mga umano’y ebidensya na magpapatunay daw sa mga salaysay na kanilang ibabahagi sa DOJ.

Sa video na nagkalat mula sa iba’t ibang media outlet, natanong si Sarah kung kumusta na raw ang kalagayan niya, ngunit imbes na sagutin, isang heart finger ang iniwan niyang kasagutan.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Bunsod nito, umani ito ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa ilang netizens. 

“Parang hindi affected to no? hindi stress mas stress pa sa inyo taong bayan!”

“Ngiting efas na dahil sa isang senador na tinulak sila sa witness protection program.”

“Ngiting hindi makukulong?”

“Finger heart dahil safe ka na!”

“Finger heart para sa padrino!”

“Itsurang ikaw ang nagnakaw pero ikaw pa naging protektado ng gobyerno!”

“Proud na proud pa si teh! Kapal ng face!”

“Enjoy ka lang, susunod na pagbalik mo diyan arestado ka na!”

“Mayaman ka lang, pero makukulong ka rin!”

“Eto ba yung ngiting naisahan na naman n’ya taumbayan?”

Matatandaang noong Setyembre 25 nang linawin ng DOJ na ang pagsasailalim kina Discaya at iba pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa provisional period ng Witness Protection Program ay hindi umano nangangahulugang pinoprotektahan sila para sa pananagutan sa batas.

“It is meant to protect them from harm, not from liability,” anang DOJ.

KAUGNAY NA BALITA: 'Protect them from harm, not from liability!' DOJ may nilinaw sa pagpasok ng mga Discaya, ex-DPWH officials sa 'witness protection'