Usap-usapan ng mga netizen ang patutsada ng Kapamilya actress na si Bela Padilla sa kontrobersiyal na construction company contractor na si Sarah Discaya, na naispatang kumuha ng dalawang can ng softdrinks sa naganap na Senate Blue Ribbon Committee kamakailan.
Kumalat kasi sa social media ang video clip ng pagkuha ni Sarah nang abutan siya ng serbidor, habang nakalawit pa ang dila.
Ibinahagi naman ng aktres ang video clip sa Instagram story niya at kinomentuhan.
"Siguro pwede naman humingi ng isa pang coke pag naubos yung una, para lahat mabigyan muna no?"
"Dito [pa lang] kitang-kita mo na eh," saad pa ng aktres.
Photo courtesy: Screenshot from Bela Padilla/IG
Matatandaang kinuwestyon din ng mga netizen ang pag-inom ng soda ni Discaya gayong ang kine-claim niya ay may iniinda siyang diabetes.
Si Sarah, gayundin ang mister na si Curlee Discaya, ay isa sa mga contractor na pinag-aaralang ilagay sa witness protection program kaugnay pa rin sa pagsisiwalat ng mga anomalya sa flood control projects.
Kumandidato siyang mayor ng Pasig City noong National and Local Elections (NLE) 2025, subalit natalo siya ng kasalukuyang Pasig City Mayor Vico Sotto.