Tuwang-tuwa ang studio audience maging si Asia's King of Talk Boy Abunda sa sagot ni Kapuso star Carla Abellana kung anong gusto niyang mangyari bago matapos ang 2025.
Sa "Fast Talk" portion ng Fast Talk with Boy Abunda, pinadugtungan ni Boy kay Carla ang "Sana bago matapos ang 2025..."
Sagot naman ni Carla, "May mga makulong na mga korap!"
Sundot pa niya, "At least hindi mamatay!"
Matatandaang tinagurian si Carla bilang "Call-Out Queen" dahil sa madalas niyang pagsita sa iba't ibang government agencies o private-owned companies na tila may "discrepancy" o pagkakamali na hindi na-address.
isa rin siya sa mga sikat na celebrity na diretsahang naglalabas ng kaniyang saloobin patungkol sa mahahalagang isyung panlipunan, kabilang na ang tungkol sa korapsyon.
Samantala, ang nagsabi naman ng wish na sana raw mamatay na ang mga korap ay si award-winning Kapuso broadcast-journalist at documentarist Kara David, sa selebrasyon ng kaniyang 52nd birthday.
"Wish... sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!" sabay hipan sa mga nakasinding kandila sa ibabaw ng kaniyang cake.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David
KAUGNAY NA BALITA: Birthday wish ni Kara David, sana raw magkatotoo sey ng netizens